ANG EPIKO NG SHAHNAMEH

Ang Epikong Shahnameh ay itinuring na isa sa napakahahalagang panitikan ng Persiya o Iran. Inilahad ng epiko ang mahabang kasaysayan ng mga sinaunang tao sa Iran. Nagsimula ito sa paglikha ng sangkatauhan, sa pinagmulan ng sibilasasyon hanngang sa pagsakop ng Arabo sa Persiya noong ika-labimpitong siglo. Ito ay isinulat ni Hakim Abul-Qasim o mas kilala sa pangalang Ferdowsi Tusi. Ang epikong ito’y binubuo ng 60,000 na berso.

Dadalhin kayo nga makukulay na tauhan ng Shahnameh sa mga kamangha-manghang pakikipagsapalaran, makakadurog-pusong kuwento ng pag-iibigan, at walang hanggang tunggalian.

Ang  mga tema ng Epikong Shahnameh ay pagmamahal sa lupang sinilangan, masakit na katotohanan, at karahasang walang katwiran.

Naipakita sa epiko kung gaano kaimportante ang pagmamahal ng isang indibidwal sa kanyang lupang sinilangan. Naging masakit ang katotohanan para kay Rustam dahil huli na ang lahat nang nalaman niya na may anak pala sila ni Prinsesa Tahmina. At higit sa lahat, nagkaharapan lang ni Sohrab, ang kanyang lalaking anak, ng dahil lang sa digmaan kung saan nagpapahiwataig ng ideyang karahasang walang katwiran.

Ito ang mga tagpuan mula sa epiko. Kilalanin ang mga kahanga-hangang tauhan ng Shanameh. Sa aklat na Plumaang mga importanteng bahagi o pangyayari ng epiko ang tanging inilagay. Kaya ito ang buod ng mga magagandang bahagi ng epiko.

Ang mga mahahalagang kaisipan o mga aral na taglay ng akda ay dapat alam natin na may mga bagay na biglang nawawala at bigla ring dumadating sa ating buhay. Kagaya ng pagmamahalan nina Rustam at Prinsesa Tahmina at ang biglaang pagkikita ni Sohrab at Rustam. Dapat binibigyan natin ng importansya kahit gaano kaliit ang bagay na iyon dahil hindi natin alam kung kalian ito mawawala sa ating piling. Dapat mapagmahal tayo sa pamilya, sa ating mga kaibigan, at sa kapwa. Gayahin natin ang si Rustam na masyadong mapagmahal at maaalalahanin kahit sa kanyang kabayong si Rakhsh.

Para sa pangwakas na kaisipan, ang buhay ni Rustam ay naging makabuluhan ngunit mapait. Naging isa siyang magiting na mandirigma, may matapang siyang kaibigang kabayo na si Rakhsh at nakilala niya ang kanyang kasintahan. Isa siya sa mga magagaling na mandirigma o tagapagtanggol ng Persiya ngunit hindi niya nagawang ipagtanggol ang kanyang pag-ibig para kay Prinsesa Tahmina. Hindi niya alam na may anak pala silang lalaki, isang magiting na mandirigma tulad niya, sapagkat hindi niya binalikan ang prinsesa. Kakaiba man ang kanyang lakas at katapangan pero hindi niya naiwasto nang maayos ang kanyang buhay dahil hindi niya nakilala nang mabuti si Prinsesa Tahmina at ang kanilang anak na si Sohrab. Nakapiling lamang niya si Sohrab sa una at huli nilang pagkikita.